INIANUNSIYO ng tatlong airline companies na Air Asia, Cebu Pacific, at Philippine Airlines (PAL), ang suspensiyon ng ilang biyaheng domestiko dahil sa pagputok ng bulkang Mt. kanlaon.
Unang nag-abiso ang Cebu Pacific para sa apat na domestic flights na kanselado kabilang ang 5J 473/474 Manila – Bacolod – Manila; 5J 451/452 Manila – Iloilo – Manila.
Habang anim sa Air Asia ang kanselado ngayong umaga dahil sa epekto ng aktibidad ng Mt. Kanlaon, kabilang na dito ang Z2 761/762 Manila-Cebu-Manila;
Z2 603/604 Manila-Bacolod-Manila;
At Z2 306/307 Manila-Iloilo-Manila
Samantala nag-anunsiyo na rin ng kanselasyon ang Philippine Airlines (PAL) para sa kanilang biyaheng Manila-Cebu-Manila 2P 2139/2140 Manila-Iloilo-Manila at 2P 2835 Manila-to-Cebu.
Ilan lamang ito sa mga kanselado at agad inabisohan ang mga apektadong pasahero upang maiwasan ang abala sa paliparan. (NIÑO ACLAN)