Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alan Peter Pia Bagong Tanyag Integrated School Taguig

Taguig graduates hinikayat, layunin ng Panginoon sundin

“NA-DISCOVER n’yo na ba, graduates, kung ano ang plano ng Diyos sa inyo?”

Sa katanungang ito sinimulan ni Senador Alan Peter Cayetano ang kanyang mensahe tungkol sa paghahanap ng sariling layunin sa buhay sa ika-52 seremonya ng pagtatapos ng Bagong Tanyag Integrated School sa Lungsod ng Taguig nitong Sabado, 1 Hunyo 2024.

“God has a plan for each and every one of you,” tiniyak niya sa 647 nagtapos.

Sa mensahe ni Cayetano, bagong chair ng Senate committee on higher education, hinikayat niya ang mga nagtapos na tukuyin kung ano ang nagbibigay sa kanila ng sigla at itugma ito sa kanilang mga gawain.

“Lahat tayo may purpose sa mata ng Panginoon. Find your purpose, embrace your purpose, and don’t let anyone tell you that you are not important,” aniya.

“Whatever ang purpose ni Lord sa inyong buhay, inilagay na niya ‘yan sa puso mo. Every single one of us ay kailangan sa mundong ito,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Cayetano, mahalaga ang bawat katangian ng bawat isa sapagkat sila’y may natatanging papel sa plano ng Panginoon.

“Ang bawat isa sa inyo ay original. Kung kayo man ay malungkot, just remember na ‘andyan ang Panginoon para sa inyo,” wika niya.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nanawagan si Cayetano sa mga estudyante na lubos na kilalanin ang kanilang sarili at sundin ang kanilang natatanging landas. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …