Friday , November 15 2024

Nancy Gamo nagpaabot ng pahayag 
DNA TEST KAY GUO NO NEED

060324 Hataw Frontpage

NAGPAABOT ng pahayagsi Nancy Gamo, nagpakilalang dating consultant ni Mayor Alice Guo, upang ipagtanggol ang kanyang dating kliyente laban sa mga personal na pag-atake na bumabalot sa pagkatao ng mayor.

Ayon kay Gamo, ang mga atake ay lumalabag na sa karapatan ng mayor bilang isang indibiduwal at halal ng taongbayan.

“Lumantad ako upang ipagtanggol si Mayor Alice. Nasasaktan ako na makita siyang inaakusahan ng mga bagay na hindi totoo. Hindi na ito usapin ng politika kundi ng pagkatao at dignidad ng isang tao na walang sawang naglilingkod sa bayan. Bilang isang kaibigan at kakilala, hindi ko maatim na manahimik habang siya’y nilalapastangan,” pahayag ni Gamo.

Si Gamo, isang accountant, ay personal na nakilala si Mayor Guo mahigit sampung taon (simula 2012) na ang nakararaan.

Ani Gamo, hindi siya naging empleyado o full time na accountant ni Mayor Guo bagkus ay tumulong siya sa iba’t ibang aspekto ng negosyo at personal na buhay ng mayor kabilang ang pagiging corporate housekeeping at pagsasaayos ng mga records;  pagbusisi sa pagbili ng lupa, at pagpoproseso ng eCAR; paggawa ng mga dokumento noong Disyembre 2015 tulad ng MOA, Deed of Transfer, at Assignment of Shares para sa pagbebenta ng shares ng pamilya Guo.

Gayondin ang pagtulong sa mga tauhan ni Mayor Guo sa opisina sa paggawa ng sagot sa mga sulat mula sa LGU at iba pang ahensiya ng gobyerno at pagbibigay ng payo sa mga isyu sa bukid at iba pang usaping accounting at realty.

Sinabi ni Gamo, kilala niya si Mayor Alice bilang isang napakasipag, mababang loob, at mapagmahal na anak. Bagamat hindi pormal na nakapag-aral, naturuan naman siya ni Teacher Rubylin, at mabilis siyang matuto at magaling na negosyante mula sa murang edad.

Nais ni Mayor Alice na matuto at madalas siyang makipag-usap sa mga eksperto tulad ng veterinary doctors, nutritionists, bankers, suppliers, at farmers.

Isa sa mga layunin ng kanyang paglabas ng bansa ay upang aralin ang pig farming sa ibang bansa.

Nakilala rin ni Gamo si Lin Wen Yi, na ipinakilala bilang partner ng tatay ni Mayor Alice.

Ipinaliwanag ni Gamo na hindi si Lin Wen Yi ang tunay na ina ni Mayor Alice at hindi na dapat kaladkarin pa ang ibang tao sa usapin ng DNA test.

“Dahil dito, naniniwala ako na hindi na kailangang kaladkarin pa ang ibang tao tungkol sa DNA issue,” ani Gamo.

“Huwag natin kalimutan na si Mayor Alice Guo ay isang indibiduwal na may karapatan at halal ng taongbayan,” dagdag nito.

Humiling si Gamo na sana, ang kanyang pagkakakilala kay Mayor Alice Guo ay dinggin ng kina-uukulan upang mapasubalian ang mga paratang laban sa alkalde.

Sa abot ng kanyang personal na karanasan at malalim na pagkakakilala sa pamilya Guo, pinatutunayan ni Gamo na si Mayor Alice ay isang mabuting tao, magaling at may pagmamahal na lider at isang Filipino.

Nagpapatuloy ang Senate women, children, family relations, and gender equality committee sa pagdinig sa kontrobersiyang kinasasangkutan Guo at ang kaugnayan niya sa Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa nasabing bayan. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …