Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

052824 Hataw Frontpage

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa Department of the Interior and Local Government – Bureau of Fire Protection (DILG-BFP) upang suportahan ang patuloy nitong pagsisikap sa modernisasyon at palakasin ang mga kakayahan ng pamahalaan sa paglaban sa sunog.

Ayon kay Pangandaman, aprobado at pirmado na niya ang Special Allotment Release Order (SARO) na naglalayong mai-transfer sa DILG-BFP ang naturang pondo para sa pagbili ng mga karagdagang firetrucks at emergency medical equipments.

“We understand how crucial BFP’s responsibilities are during emergency response and fire incidents. We owe it to them to support their ongoing capability enhancement efforts so they can effectively perform their mandate,” pahayag ni Pangandaman.

“Bilang pagtugon din po ito sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na i-equip ang ating firefighters. Alam naman po natin na sa pagtupad ng kanilang tungkulin, buhay ang nakataya,” ani Pangandaman.

Paliwanag ni Pangandaman, ang halagang P2.880 bilyon ay gagamitin para sa pagbili ng 154 firetrucks, tatlong collapsed structure at rescue truck, at 132 ambulansiya.

Dagdag ni Pangandaman, ang naturang halaga ay kukunin mula sa balanse ng 80% bahagi ng BFP mula sa mga kinita ng ahensiya ayon sa Republic Act (RA) 9514 o ang Fire Code of the Philippines.

Binigyang-diin ni Pangandaman, all-out support ang Marcos administration sa pagseseguro na mabigyang suporta ang mga lungsod at munisipalidad na walang firetruck at fire station sa kanilang kinasasakupan.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …