Thursday , April 10 2025
Apostle Arsenio Ferriol

4th Watch nagluksa sa pagpanaw ng founder na si Apostle Arcenio Ferriol

NAGLUKSA ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ (4th Watch) sa pagpanaw ng kanilang founder na si Apostle Arsenio Ferriol.

Ayon Kay Bishop Jonathan Ferriol, Deputy Minister ng PMCC, isa sa mga anak ni Apostle Ferriol, mabigat man sa kalooban pero kailangan tanggapin ang kaloob ng Diyos.

Ang buong Pentecostal Missionary Church of Christ ay nagbibigay-pugay sa buhay ni Apostle Ferriol, partikular sa kanyang makabuluhang tungkulin bilang isang tapat na lingkod ng Diyos na naging isa sa mga matibay na haligi ng buong PMCC.

Sinabi ng batang Ferriol, na mami-miss nila si Apostle Ferriol at kanilang ipagpapatuloy ang mga naiwang adboskasiya, pagtuturo ng mga Banal na Salita ng Panginoon at pagtulong sa mga kababayan sa patuloy ng pagsasagawa ng medical mission sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang kanyang dedikasyon sa Diyos, sa simbahan, at sa kanyang pamilya ay ginawa siyang inspirasyon para sa buong PMCC (4th Watch).

Noong 19 Mayo 2024, pumanaw si Apostle Ferriol, sa edad na 88-anyos at nanatili ang kanyang labi sa Apostle Arsenio T. Ferriol Sports Complex sa Malagasang II-D, Imus, Cavite habang hinihintay ang iba pang miyembro ng pamilya mula sa ibang bansa.

Sa isang panayam, binigyan diin ni Bishop Jonathan Ferriol na determinado silang itaguyod ang kanyang apostolikong pamana at ipasa ito sa mga susunod na henerasyon hanggang sa pagbabalik ni Hesukristo, na ating Panginoon at Tagapagligtas.

Kaugnay nito kasabay ng kalungkutan ay personal na ipinabot ni Senador Christopher Lawrence  “Bong” Go ang kanyang pakikiramay sa buong pamilya Ferriol na iniwan ni Apostle Ferriol.

Naniniwala si Go na bagay na bagay kay Apostle Ferriol ang tawag na “The Goodman of the House” dahil napakabuting tao nito, hindi lamang sa kanyang mga miyembro sa kapatiran kundi malaki ang naitulong nito sa bansa at sa mamamayang Filipino. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga …

Vilma Santos

Batangas gov bet pinagpapaliwanag sa ‘laos’ remark laban kay Vilma 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY lang ang kampanya sa Batangas ni Vilma Santos–Recto kahit may nagsasabing laos na …

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Vilma Santos

Plataporma ang ilatag at ‘di pambabatikos

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WALANG ipinagkaiba ang abogado na taga-Pasig kay Jay Ilagan ng Batangas na nanlait …

Goitia ABP

ABP Partylist, Civic-Oriented Groups Nagsanib-Pwersa Upang Kondenahin ang Ilegal na Pag-aresto ng Tsina sa 3 Pinoy

Ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist, kasama ang anim civic-oriented na grupo na – …