SUPORTADO ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang ika-14 taong pagdiriwang ng anibersaryo ng Puto Latik Festival sa lungsod ng Biñan.
Sa pamamagitan ng anak ng senador na si Patrick Tolentino, kanyang ipinaabot sa mga taga-Biñan ang pagpapakita ng suporta ng senador sa ginanap na ‘Thanksgiving Dinner’ Kaugnay pa rin ng isang linggong selebrasyon.
Sa binasang kalatas ng anak ng senador, ipiinaabot ng kanyang ama ang taos-pusong pasasalamat at paghanga sa mga mamamayan ng Biñan dahil sa kanilang pagbibigay-halaga sa cultural heritage o sariling pagkakakilanlan sa kanilang mga produkto.
Ang Puto Latik Festival ay mula sa produktong puto na talagang ginagawa ng bawat panadero samantala ang latik naman ay hango sa pagsasayaw na kung tawagin ay maglalatik.
Aminado si Tolentino, ang produkto at sariling pagkakakilanlan ng Biñan ang magiging daan sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng lungsod sa pamamagitan ng turismo mula lokal at sa ibang bansa.
Tiniyak ni Tolentino, suportado niya maliliit na uri ng kabuhayan lalo ng mga magpuputo at magsasaka.
Siniguro ni Tolentino sa mga mamamayan ng Binan at pamahalaan ang kanyang buong suporta sa lahat ng proyekto at programa ng pamahalaan para sa mamamayan. (NIÑO ACLAN)