NAKAHANDANG ipagtanggol ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Pinoy kapag inaresto ng Chinese Navy sa bahagi ng karagatan sa West Philippine Sea (WPS).
Tiniyak ito ni Navy Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad sa isang press briefing sa Port Bonifacio sa lungsod ng Taguig.
Binigyan-diin ni Trinidad, handa silang ipatupad ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., para protektahan ang karagatang sakop ng WPS sa ialim ng teritoryo ng Filipinas.
Gumagawa aniya ng mga paraan ang Filipinas at mga partner na bansa para kompirmahin ang napabalitang naglatag ng mga pipe sa ilalim ng dagat ang Chinese vessel sa ilang bahagi ng WPS para hindi makalapit rito.
Binigyang-diin ni Trinidad, maraming paraan upang matukoy ang mga lugar kung saan nagbaon ng mga pipe ang mga barko ng China sa karagatan sakop ng Filipinas. (NIÑO ACLAN)