Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat magpatunay na hindi siya Filipino.

Ito ang ipinaalala ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na nagsabing sa ngayon ay mananatili ang presumption na Filipino ang alkalde batay sa mga dokumentong naipresinta at mga testimonyang kanyang naibigay sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

“Oo, may rason para mag-alanganin tayo pero ang presumption ay nananatilli pa rin. Siya ay nakatakbo, registered voter, may passport siya na Filipino siya. Kaya nasa nagsasabi na hindi para patunayan ‘yun,” pahayag ni Escudero.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Escudero na ang maaaring maghain ng petisyon laban sa citizenship ni Guo ay ang Solicitor General.

“Ang puwedeng magkuwestiyon ay ang SolGen lang. Walang kapangyarihan ang Comelec na i-disqualify siya,” diin ni Escudero.

Inihalimbawa ni Escudero ang naging kaso ni Senadora Grace Poe na hindi kilala ang tunay na mga magulang at tanging adopted parents ang lumutang kaya itinuring ito ng Korte Suprema na foundling.

“There is basic principle in law na he who alleges must prove the same,” paalala ni Escudero.

Sa ngayon, aniya, ay nasa SolGen na ang bola para kanselahin ang birth certificate ni Guo at tuluyang mabawi ang kanyang citizenship.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …