NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service na hindi passable para sa ferry boat ang ilog Pasig mula sa mga estasyon sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) hanggang Escolta.
Sinisi ng MMDA sa mga naglutangang basura ang pagkabalam ng operasyon dahil sa malaking posibilidad na makaapekto sa makina ng ferry boats.
Nanawagan ang MMDA sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura, at huwag gawing tapunan ang ilog Pasig at iba pang daluyan ng tubig na maaaring maging sanhi ng pagbaha sa Metro Manila sa panahon ng tag ulan.
Kasabay nito, tuloy-tuloy ang paglilinis sa ilog Pasig sa pamamagitan ng mga trash skimmer na mabilis na nakokolekta ang mga basurang nasa tubig upang maging tuloy-tuloy ang operasyon ng Pasig River Ferry Service. (NIÑO ACLAN)