Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa ELYU  
PILOTO, PASAHERO SUGATAN SA BUMAGSAK NA CESSNA PLANE

052224 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan

BUENAS na maituturing dahil minor injury lang ang napala ng dalawang sakay ng Cessna plane, isang piloto at isang pasahero, nang bumagsak sa dagat matapos mag-take-off sa San Fernando Airport sa La Union.

Base sa inisyal na impormasyon, ang nasabing aircraft na may registered number RP-C6923 ay nag-take-off sa Runway 19 ng San Fernando Airport nang bigla itong mag-crash sa baybayin ng Barangay Canacay, San Fernando, La Union.

Agad nagresponde ang mga rescuers mula sa Philippine Coast Guard (PCG) matapos makompirma ng San Fernando tower ang insidente.

Isinugod sa ospital ang mga biktima na sakay ng bumagsak na training aircraft na pag-aari ng Leading Edge International Training Aviation Academy, Inc. (LEIAAI) center.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) investigators and inquiry board upang matukoy ang naging sanhi ng pagbagsak ng naturang eroplano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …