INAMIN ng bagong halal na Senate President na si Senador Francis Joseph “Chiz” Escudero na siya ang pasimuno ng kudeta laban sa liderato ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri.
Ayon kay Escudero, sinimulan niyang kausapin ang kanyang mga kasamahan para palitan ang liderato ni Zubiri.
Aminado si Escudero na mayroong isang resolusyon na may lagda ng 15 senador na nagsasabing palitan na ang liderato ng senado at siya ang unang lumagda rito.
Ngunit aniya walang dahilan para ilabas o isapubliko ang naturang resolusyon lalo na’t napalitn na ang liderato ng senado.
Magugunitang noong 15 Mayo ay inihayag ni Zubiri na mayroong mga senador na kumikilos para patalsikin siya.
Bagay na ipinagtaka ni Zubiri dahil noong 16 Mayo lsiya ay nagsimulang makipag-usap sa mga kapuwa niya senador.
Natutuwa si Escudero na palaging payapa ang pagpapalit ng liderato sa Senado kompara sa Kamara.
Pinabulaanan ni Escudero n may kumpas at basba ng Malakanyang ang pagpapalit ng liderato ng senado.
Kaugnay nito hindi naitago ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang lumuha dahil nabigo siyang ipanalo ang Laban para may Zubiri.
Hindi kasi nakombinsi ni Dela Rosa ang kapartido niyang sina Senador Christopher Lawarence “Bong” Go at Senador Francis “Tol” Tolentino na ngayon ay majority floor leader at kapwa niya miyembro ng PDP para suportahan si Zubiri.
Ayon kay Dela Rosa, ang kanyang paglagda ay huli na dahil mayroon nang 14 na pirma ng mga senador at nagdadalawang-isip siyang maging bahagi ng minorya.
Ngunit sa huli ay nakombinsi siya ni Escudero na lumagda matapos tiyakin na tuloy-tuloy ang imbestigasyon niyang isinasagawa ukol sa ‘PDEA leaks.’
Humingi ng paumanhin si Dela Rosa kay Zubiri sa kanyang kabiguan ngunit tiniyak niyang mataas at malaki ang respeto niya sa dating lider ng senado n a itinuturing din niyang boss. (NIÑO ACLAN)