Monday , December 23 2024
Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI
NAGHAIN ng cyberlibel charges ang mga kinatawan ng Bell-Kenz Pharma Inc., sa pangunguna ng kanilang corporate secretary na si Atty. Joseph Vincent Go, kasama sina Atty. Andrea Guillergan, Atty. Dezery Perlez, at Atty. Alex Avisado laban kay Dr. Anthony “Tony” Leachon sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI). Inakusahan ng Bell-Kenz Pharma si Leachon ng pagkakalat ng malisyosong impormasyon tungkol sa kanilang kompanya na umano’y nagpapraktis ng ‘prescription for sale’ scheme. (BONG SON)

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon nito laban sa kompanyang Bell-Kenz Pharma Inc sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.  

Nabatid na inihain ang kaso sa tanggapan ng NBI Cybercrime Division sa Quezon City sa pamamagitan ng mga legal counsel ng Bell-Kenz.

Sinabi ni Atty. Dezery Perlez, Bell-Kenz Pharma, Inc., legal counsel at spokesperson, malisyoso at walang basehan ang mga ‘paratang’ ni Leachon sa kompanya kabilang na ang sinabing “multi-level marketing scheme” nito.

Nabatid sa legal counsel ng kompanya na ang social media post ni Leachon kabilang ang sinabing pag-recruit ng kompanya sa ilang doctor para ireseta ang kanilang mga produktong gamot kapalit ng umano ng regalong luxury car at biyahe sa ibang bansa ay malisyoso at walang basehan.

Samantala, sinabi ni Atty. Joseph Vincent Go, Corporate Secretary at Legal Counsel ng kompanyang Bell-Kenz, nakasira sa integridad at operasyon ng kompanya ang mga akusasyon laban sa Bell-Kenz.

Idinagdag ni Atty. Go na maging ang kanilang mga produkto at mga gamot ay nadamay sa kontrobersiya ng walang basehang akusasyon.

Nauna nang humarap sa senado ang mga opisyal ng kompanya sa ikinasang imbestigasyon sa naturang akusasyon.

Kaugnay nito itinanggi ng mga abogado ng Bell-Kenz Pharma ang mga paratang na ibinato laban sa kompanya at idiniin na ito ay isang “law-abiding pharmaceutical entity” at sumusunod sa lahat ng regulasyon ng gobyerno. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …