HINDI papayag ang Kamara de Representantes na hulihin ng pamahalaang Chinese ang mga Pinoy sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Filipinas.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez hindi papayagan ang China na gawin ang pag-aresto.
“The House of the Filipino People will not tolerate any arrests of our citizens or fishermen within our own Exclusive Economic Zone (EEZ). We will fiercely defend our sovereignty and ensure the safety and rights of our people,” ayon kay Romualdez.
“China’s aggressive pronouncements are a blatant escalation of tensions in the West Philippine Sea. These unilateral actions flagrantly violate international law and the established norms that guide the Philippines and other law-abiding nations with claims in the South China Sea,” aniya.
Ayon kay Romualdez dapat nang matututo ang China na magrespeto sa pandaigdigang batas.
“China must respect international rulings and act as a responsible member of the global community, rather than imposing its own laws unilaterally and bullying other nations,” dagdag ng Speaker.
Ang EEZ ng Filipinas ay sumasakop sa mga bahura ng Scarborough o Panatag Shoal malapit sa Zambales at Pangasinan, na sinakop ng China noong 2012. Kasama din sa EEZ ang Ayungin Shoal, kung saan nakasadsad ang isang barko ng Navy at binabantayan ng mga sundalong Filipino.
Madalas bombahin ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Filipinas na nagdadala ng supplies sa mga sundalo sa Ayungin Shoal.
Ang China ay nagpahayag na pinayagan na nito ang kanila Navy na hulihin ang sinomang makikita nila sa loob ng kanilang teritoryo batay sa kanilang Nine-dash line na sumasakop sa halos lahat ng West Philippine Sea kasama ang EEZ ng Filipinas. (GERRY BALDO)