Friday , November 15 2024
Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

Citywide Clearing Ops inilarga ng Pasay LGU sa ilang barangay para paghahanda vs La Niña

NAGSAGAWA ng Citywide Clearing Operation ang pamahalaang lungsod ng Pasay partikular sa Barangay 55, 53, at 50 at sinigurong walang nakahambalang na obstruction sa daanan ng mga tao at mga sasakyan bilang paghahanda sa posibleng epekto ng La Niña phenomenon.

Hinimok ng Pasay City LGU ang mga residente at iba pang stakeholders na makipagtulungan at suportahan ang inisyatiba ng lungsod para sa kalinisan at pagpapabuti sa buong komunidad.

Ayon kay Mayor Emi Calixto Rubiano, kakaibang approach ang kanyang direktiba sa paglilinis sa mga bangketa, estero, komunidad, at mga pangunahing lansangan sa lungsod ng Pasay.

Hindi aniya kailangan ng dahas at puwersa sa paglilinis sa mga komunidad na magdudulot ng pangamba at kaguluhan sa mga barangay.

Sa direktiba ng alcalde, dapat gawing maayos at diplomatiko ang pakikipag-usap sa mga kababayan para mauunawan nila nang lubos ang pangangailangan ng mga constituents na magkapaghanapbuhay.

Aniya, araw-araw ang gagawing pag-iikot ng clearing team kasama ang mga barangay officials at mga kagawad ng Pasay City Police upang paalalahanan ang mga residente para isaayos ang mga illegal parking, illegal terminals, mga sagabal sa bangketa, at mga ambulant vendors na nakasisikip sa trapiko. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …