INILARAWANG matagumpay at maayos ang paglilipat ng 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong Davao Prison and Penal Farm.
Kasunod ito ng programa ng Bureau of Corrections (BuCor) para ma-decongest ang national penitentiary sa Muntinlupa City.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr., 250 PDLs ay mula sa Maximum Security Camp, 50 mula sa Medium Security Camp, 200 mula sa Reception, at 250 PDLs mula sa Diagnostic Center (RDC).
Ang RDC ay isang special unit sa BuCor facility na ang mga bilanggo ay sumasailalim ng diagnostic examination at observation para malaman kung saang institusyon sila puwedeng isama at ilipat.
Ani Catapang, hindi na talaga sila tatanggap ng bagong PDL sa NBP dahil sa inaasahang pagsasara nito bago ang 2028.
Ang mga PDL ay kailangang mag-stay sa RDC sa loob ng 60 araw at pagkatapos ay doon pa lamang sila ililipat sa mga operating at penal farm sa labas ng Metro Manila. (NIÑO ACLAN)