Friday , November 22 2024

Telco fraudster, timbog sa NAIA

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) agents sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang American national na wanted ng Interpol sa South Korea dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong telecommunications fraud.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco kinilala ang nasabing pasahero na si Shin Seung Chul, 62 anyos, naharang sa Terminal 1 bago lumipad papuntang Narita.

Nabatid na mayroon na palang hit si Chul sa Interpol system matapos magpa-inspeksyon sa BI departure counter.

Dito lumabas na pugante si Chul sa South Korea dahilan kaya nai-turnover sa mga tauhan ng BI-NAIA border control and intelligence unit (BCIU) kaya agad dinala sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa

Mananatili si Chul sa nasabing pasilidad habang tumatakbo ang deportation proceedings laban sa kanya.

Bukod sa pagsipa pabalik sa Korea, tiniyak ni Tansingco na mailalagay sa blacklist si Chul para hindi na makabalik ng bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …