Sunday , December 22 2024

Energy watchdog group kinuwestiyon maagang renewal ng Meralco franchise

051824 Hataw Frontpage

KASUNOD ng pagkabahala, mariing kinuwestiyon ng Energy consumer advocacy group People for Power (P4P) coalition ang madaliang pagpapa-renew ng prangkisa ng  Manila Electric Company (Meralco) kahit sa taong 2028 pa ito mapapaso.

Hinala ng P4P, ang madaliang pagpaparenew ng prangkisa ng Meralco ay may layuning pagtakpan o ibasura ang mga alegasyon at isyu laban sa kanila.

“If we give Meralco an early franchise renewal, we are giving them a free pass on all the allegations against them. Giving them a decades-long franchise now will remove the ability of the government to hold them to account and protect consumers,” ani P4P convenor Gerry Arances.

Sa kasalukuyan, ang prangkisa ng Meralco ay nakatakdang mawalan ng bisa apat na taon mula ngayong taon pero itinutulak ni  Albay Rep. Joey Salceda ang maagang renewal ng Meralco para sa dagdag na 25 taon.

“The fact that Meralco is pushing for an early renewal shows that they want to escape any responsibility for any findings that the House of Representatives or any government body might find in an investigation into their practices. Their franchise is still good for a few more years, they’re earning a lot of money, they can wait until consumers have their say,” giit ni Arances.

Naniniwala ang pinuno ng P4P na sa kasalukuyang prangkisa ng Meralco ay dapat silang magbigay ng tama at dekalidad na serbisyo sa kanilang mga consumer sa mas mababang presyo.

“They do not exactly have a clean track record on this end, with consumers repeatedly questioning terms, expensive fossil-based contracts, and other business practices that weigh heavily on our pockets,” dagdag ni Arances.

Ilan sa isyu na ipinukol sa Meralco sa pagdinig ng House Committee on Legislative franchise ay ang mga sumusunod:

Ang patuloy na paggamit ng Meralco ng 14.97 percent na weighted average cost of capital (WACC) bilang tuktok ng profit margin mula 2011.

Kinuwestiyon ito ng mga mambabatas at sinabing dapat na mas bumaba dahil 13 taon na ang nakalilipas nang sumirit ito. Sa level ng WACC, napapayagan ang Meralco na lalong magtaas ng kit amula rito;

Inklusyon ng Meralco theater, Meralco museum, wellness center at iba pang pasilidad na walang kinalaman sa power distribution sa asset ng utility na isinasama sa kuwentahan ng WACC;

Paggawad ng power supply contracts sa mga tinatawag na associate firms, o mga kompanyang pag-aari ng mother company ng Meralco — ang Metro Pacific na naglalagay sa sitwasyong may conflict-of-interest; 

At sobra-sobrang singil sa mga customer, na minsan ay tinayang umabot na sa P200 bilyon, pero patuloy na itinatanggi ng Meralco.

               Kabilang sina Sta. Rosa city Rep. Dan Fernandez at Surigao del Norte Rep. Johnny Pimentel sa mga mambabatas na tutol sa panukalang maagang pagre-renew ng prangkisa ng Merlaco.

Si Fernandez ay Vice Chairman ng House committee on energy samantala si Pimentel naman ang Vice chairman ng House committee on  legislative na kasalukuyang tumatalakay sa panukalang renewal ng Meralco kahit ilang taon pa bago ma-expire ang prangkisa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …