Sunday , December 22 2024
Department of Tourism DOT

DOT namahagi ng P25-M libreng insurance coverage sa 50 tourist guides sa CL

IPINAMAHAGI ng Department of Tourism (DOT) ang nasa P25 milyong halaga ng libreng insurance coverage para sa 50 tourist guides sa Central Luzon.

Ito’y kasunod ng selebrasyon ng ika-51 anibersaryo at pagkakatatag ng ahensiya.

Ayon sa Tourism department, kabilang sa mga tour guide ay mula sa Pampanga, Tarlac, Bataan, Aurora, at Bulacan.

Ang libreng personal accident insurance coverage ay mismong pinondohan ni DOT Secretary Cristina Frasco bilang ‘token of appreciation.’ 

Bukod dito, nakatanggap ang mga tour guide ng travel essentials gaya ng sombrero, electronic lapel, sunglasses, tumblers at iba pang tour guiding equipment. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …