Wednesday , May 14 2025
doctor medicine

Akusasayon laban sa Bell-Kenz mahirap patunayan — Herbosa

AMINADO si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na mahirap patunayan ang alegasyong ‘unethical practices of pharmaceutical company laban sa Bell-Kenz Pharma.

         Ang Bell-Kenz Pharma na pag-aari ng isang grupo ng mga doktor ay sinabing nagbibigay ng rebates na P2 milyon, luxury cars, travel, at iba pang uri ng perks sa mga kapwa doktor na nagrereseta ng kanilang mga gamot, ayon sa pagbubunyag ng isang mambabatas sa Senado.

Ayon kay Herbosa, hindi maaaring sukatin ang kakayahan ng mga doktor sa pagbili ng mga mamahaling kagamitan tulad ng sasakyan.

Tanong tuloy ni Herbosa, “may katotohanan kayang niregalohan ang mga doktor ng mga mamahaling sasakyan?”

Naniniwala si Herbosa, madaling mag-akusa ngunit ang mahirap ay patunayan ang alegasyon.

“‘Yang mga doctor, kaya naman bumili ng mga kotseng mamahalin dahil sa daming praktis. Ang tanong totoo bang ibibigay sa kanila? ‘Yun ang mahirap, madaling mag-accuse mahirap mag-prove,” ani Herbosa.

Umaasa si Herbosa na matutuldukan ang usapin upang mapawi ang pagdududa sa kakayahan ng mga doktor na magpaggaling ng mga pasyente at hindi basta kumita.

Nauna rito, ipinahayag ni Bell-Kenz Pharma President and Chief Executive Officer (CEO) Luis Raymond Go, bilang isang doktor ay marami pa nga silang mga pro-bono cases kaysa kumita o maningil sa kanilang pasyente lalo siya na nagsisilbing cardiologist sa Philippine Heart Center.

“Kaming mga doktor hindi ang kumita ang aming pangunahing layunin kundi ang mapagsilbihan ang mga pasyente, matugunan ang kanilang pangangailangang medikal at gumaling sila sa kanilang sakit o karamdaman,” ani Go. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …