Friday , November 15 2024
Lani Mercado Lani Cayetano

Taguig ‘di pinalampas   
MISIS NI SEN. BONG REVILLA, MAYOR LANI CAYETANO DUMALO SA AICS PAYOUT

HALOS 2,000 indibiduwal, itinuturing na kabilang sa ‘nasa laylayan ng lipunan’ ang tumanggap ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kahapon, araw ng Miyerkoles sa Taguig City.

Pinangunahan nina Cavite 2nd District Congresswoman Lani Mercado Revilla na kumatawan sa kanyang asawang si Sen. Ramon “Bong” Revilla at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi ng P2,000 ayuda sa mga residente ng Taguig City na karamihan ay construction workers, mangingisda, at iba pang nasa mahihirap na sektor ng lipunan.

Ayon sa babaeng mambabatas, maraming manggagawa ang hindi permanente ang trabaho lalo ang mga construction workers dahil seasonal o pana-panahon ang pagkakaroon nila ng trabaho at iyon ay kapag mayroong mga proyektong konstruksiyon.

Inilinaw niya na ang ginagawa nilang pagtulong ay hindi lamang nakatutok sa Taguig kundi sa buong kapuluan, partikular sa mga mamamayan sa malalayong lalawigan na maralita ang buhay.

Kinailangan aniyang kumatawan kay Sen. Bong Revilla upang mapangasiwaan ang pamamahagi ng ayuda dahil dumalo ang mister sa isang mahalagang okasyon na pagsasanib ng puwersa ng dalawang partido politikal.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cong. Lani Revilla na hindi lamang ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa ilalim ng AICS ang ginagawa nila ng kanyang mister kundi nakatutok din ang Senador sa paglikha ng batas na makatutulong sa iba pang mahihinang sektor tulad ng senior citizens para mabiyayaan sa ilalim ng Expanded Centenarian Law.

Hinihintay aniya na malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang batas na magkakaloob ng karagdagang 20 porsiyento mula sa 10 porsiyentong night shift differential sa mga kawani ng pamahalaan kabilang ang mga nurses. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …