SUPORTADO ng watchdog group na Power for People Coalition (P4P) ang hakbangin ng Energy Regulatory Commission (ERC) na iapela sa Supreme Court (SC) ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) na payagan ang dalawang power generating arms ng San Miguel Corporation (SMC) na mag-walkout sa power supply deals sa Meralco na nagtakda ng fixed power rates.
Magugunitang noong nakaraang taon ang SMC ay nanalo sa ruling ng CA na binabalewala ang naunang desisyon ng ERC na ibasura ang petisyon na humihingi ng dagdag na singil sa presyo ng koryente mula sa kanilang Ilijan gas at Sual coal power plants.
Ito ay sa kabila na ang dalawa ay parehong sakop ng fixed-rate power supply agreements (PSAs).
Kinompima ng Office of the Solicitor General na naghain ng apela ang ERC noong 29 Pebrero ng taong kasalukuyan.
“We welcome the move of the ERC and its Chair, Monalisa Dimalanta, to uphold its duty of protecting consumers from the attempt by SMC to profit off the rising price of coal and gas by passing them on to consumers. We hope the Supreme Court will see reason and rule that SMC must abide by its contract and cannot raise prices on electricity,” ani P4P Convenor Gerry Arances.
Tinangka rin ng SMC noong 2023 na makakolekta ng P5 bilyon sa pamamagitan ng paghahain ng petisyon sa ERC ukol sa pagtaas ng presyo na ibinasura sa kadahilanang nilalaman ng kontrata na ipinagbabawal ang pagbabago sa rates.
“Those PSAs protected consumers in the Meralco franchise area from the ludicrous spike in electricity prices which plagued customers of other distribution utilities in the country at that time. In siding with SMC, the CA committed a grave disservice to consumers, exposing them to higher electricity prices even when protected by a contract,” dagdag ni Arances.
Ang Ilijan gas plant ay tinatangkang makakuha ng panibagong PSA sa Meralco na naaprobahan ng ERC ngunit sa mas mataas na presyo.
“If SMC is able to secure a new PSA for Ilijan, it will signal that generation companies can jack up prices with impunity and render power supply agreements moot. With temperatures rising, consumers will be at the mercy of the power company, a situation that the SC must recognize and prevent by supporting the position of the ERC,” giit ni Arances.
Sa desisyon ng CA 13th Division noong Hunyo ng nakaraang taon, ibinasura nito ang naunang desisyon ng ERC na pagbasura sa petisyon ng Ilijan at Sual plant owner na nagnanais taasan ang recoup dahil sa sinabing patuloy na pagkalugi dulot ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng fuel.
Naninindigan ang CA 13th SDvision sa kanilang desisyon noong Hunyo 2023 sa pamamagitan ng kanyang desisyon noong Disyembre 2023 dahilan upang kumilos ang ERC sa pamamagitan ng OSG na dalhin ang kaso sa Supreme Court. (NIÑO ACLAN)