Sunday , December 22 2024
Amenah Pangandaman

Utos ni Pangandaman
PENSION NG INDIGENT SENIOR CITIZENS I-RELEASE AGAD

050624 Hataw Frontpage

MASAYANG inianunsiyo ni Budget Secretary Amenah F. Pangandaman, sa unang buwan pa lamang ng kasalukuyang taon ay nai-release na ng kanyang departamento – ang Department of Budget and Management (DBM) – ang kabuuang P49.807 bilyong badyet para sa pension ng mga indigent senior citizens.

Ayon kay Pangandaman, ito ay halos doble ng badyet ng mga nakaraang taon na umabot lamang ng P25 bilyong alokasyon taon-taon.

Paliwanag ni Pangandaman, sa ilalim ng administrasyong Marcos, magiging doble na ang buwanang pension para sa mahihirap na senior citizens mula P500 ito ay magiging P1,000 kada buwan.

Binigyang diin ni Pangandaman, tinatayang higit 4,000,000 ang bilang ng indigent senior citizens na makikinabang dito.

Aniya, umaasa ang administrasyong Marcos na makatutulong kahit paano ang karagdagang pension lalo na’t karamihan sa mga kapos-palad na seniors ay walang suportang natatanggap mula sa kanilang mga kaanak.

Sinabi ni Pangandaman, malaking tulong ang cash aid sa matatanda na wala namang inaasahan at walang regular na pensiyong natatanggap para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Dagdag ni Pangandaman, ang agarang pagre-release ng pondo ay tugon ng kanilang kagawaran sa mahigpit na bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na patuloy na kalingain ang ating mga senior citizen.

Ayon kay Pangandaman, ang pagbibigay ng social pension sa mga indigent seniors ay nagtitiyak kahit paano na maibsan ang kanilang gutom at matiyak na hindi sila nababalewala o naabuso, bagkus ay natutugunan ang kanilang mga pangangailaangan.

Sambit ni Pangandaman, ito rin ay pagtugon sa adhikaing “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Marcos, Jr., kung saan tinitiyak ng pamahalaan na walang maliliit na mamamayang Filipino ang maiiwanan at mapapabayaan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …