HUMINA ang depensa ng Filipinas nang mawala ang base militar ng mga Amerikano sa Subic.
Ito ang tila pahiwatig ni Rear Admiral (Ret.) Rommel Ong sa kanyang pagdalo sa lingguhang Kapihan Agenda sa Club Filipino, kung saan aniya nagsimula ang lahat nang balikan niya ang kasaysayan ukol sa pagpapaalis sa mga base militar ng mga Amerikano.
Ang pahayag ni Ong ay kaugnay sa tanong kung bakit nagkaroon ng maraming puwersa ang tropang Chinese sa West Philippine Sea (WPS) at nagaganap ang patuloy na pambu-bully sa tropang Pinoy.
Ngunit paglilinaw niya inuunawa niya ang political decision na ito noong mga panahon na iyon subalit malaking tulong ngayon ang mga nagaganap na joint exercises sa pagitan ng ating bansa at sa ibang mga bansa tulad ng Amerika.
Buo ang paniniwala ni Ong, tulad ng mga manlalaro, (kahit ang ating tropa ay tila pang-PBA lamang at hindi pang NBA) hindi tayo dapat maliitin.
Dahil dito naniniwala si Ong, kailangan nang iagapay sa mga modernong kagamitan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) at kasunod nito ay kailangan i-modernize ang kaalaman ng mga tropa.
Inamin ni Philippine Navy Spokeperson Roy Vincent Trininad na binabalak na pamahaaan at dito na kumpunihin sa bansa at bilhin ang mga bagong kagamitang nais bilhin ng pamahalaan bilang bahagi ng modernisasyon.
Inamin ng dalawa na wala namang gulo noong araw sa WPS dahil pawang nagbibigayan at nagtutulungan ang tropang mangingisdang Chinese at mga Pinoy — bagay na nawala at nasira.
Iginiit na magkaibigan ang mga mamamayan ng dalawang bansa ngunit depende sa plano at desisyon ng kasalukuyang lider o pinuno. (NIÑO ACLAN)