Monday , December 23 2024

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

050124 Hataw Frontpage

ni Niño Aclan

ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila sa multi-level marketing (MLM) scheme sa pagbebenta ng kanilang mga produktong gamot.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography na pinamumunuan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, sinabi ni Bell Kenz Chairperson & Chief Executive Officer (CEO) Dr. Luis Raymond Go, sumusunod sila sa regulasyon ng health industry sa bansa alinsunod sa ethical standard.

Aniya, layunin ng kanilang kompanya na makapagbigay ng affordable at quality medicines partikular para sa hypertension, diabetes at coronary diseases.

Giit ni Dr. Go, wala silang ibinibigay na komisyon sa mga doktor ngunit nang pagbantaan ni Senator Raffy Tulfo na ipakukulong kung siya ay mapatutunayang nagsisinungaling dahil may mga ebidensiyang ‘cheque’ mula sa Bell Kenz na ibinayad sa mga doktor.

“Makukulong ka ngayon. Yari ka ngayon. Kulong ka ngayon. You’re under oath…” banta ni Tulfo.

Sa kalaunan, sinabi ni Go na hindi sila nagbibigay ng komisyon sa halip ay incentive sa mga doktor na nagrereseta ng kanilang mga gamot.

Ngunit wala umanong cash, mamahaling sasakyan, o mamahaling relo kundi ito ay pagdalo sa mga local at international conferences ng mga doktor at kung minsan ay mga medical equipment.

Ayon naman kay Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa, hindi bawal mag-sponsor ang pharma companies ng mga doktor na pupunta sa mga conferences, local at international, basta ito ay nakadeklara sa Food and Drug Administration (FDA).

Sa Senate probe kahapon, sinabi ni Herbosa, naririnig niya ang mga perks na sinabing natatanggap ng mga doktor mula sa ilang pharmaceutical companies pero wala siyang naririnig tungkol sa MLM scheme.

Nitong nakaraang weekend naglabas ng pahayag ang Bell-Kenz.

 “Bell-Kenz Pharma Inc. vehemently (denies) the misinformed and unfounded allegations (leveled) against our company,” pahayag ng kompanya.

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …