Monday , December 23 2024

Panukalang batas binawi
ZUBIRI PABOR KLASE BALIK HANGGANG MARSO

SUPORTADO ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagbabalik ng dating school calendar na ang bakasyon ay tuwing panahon ng tag-init hanggang Marso na lamang ang klase kasunod ng pagbawui niya sa naunang ihinahaiang panukalang batas.

Ayon kay Zubiri sobrang init na ng pamahon ngayon kumpara sa mga nakaraang ilang dekada na napakadelikado sa mga kabataan o mag aaral at maging sa mga guro kung magpapatuloy ang pasukan sa paaralan sa panahon ng tag init.

Pinuna rin ni Zubiri ang nagdaang dalawang taon na mas maraming nakansela na pasok sa mga paaralan dahil sa matinding init kumpara sa panahon ng tag ulan.

Dahil dito nanawagan si Zubiri kay  Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte na ikunsidera na ang agarang pagbabalik sa lumang school calendar upang maging ligtas ang mga bata sa nararanasang mataas na heat index.

Dagdag pa ng senador na nag iba na talaga ang klima at sobrang init na talaga dahil sa climate change.

“Aside from exposing our students and teachers to the dangers of extreme heat, I honestly believe that the prevailing weather conditions during summer are not conducive to learning. Kaya kung pwede sana, huwag na natin hintayin ang school year 2025-2026. Kung kayang ipatupad sa susunod na school year, gawin na natin at kawawa ang ating mga estudyante sa susunod na summer,” ani Zubiri..

Bukod pa sa pagbawi niya sa naunang inihaing  Senate Bill No. 788, na inihain sa pagsisimula ng 19th Congress, na nag-synchronize ng school year na magsisimula sa Agosto. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …