Monday , December 23 2024
Nancy Binay Street Foods

Dapat i-level up – Binay
PINOY STREET FOOD IBIDA SA TURISMO

042924 Hataw Frontpage

NANINIWALA si Senadora Nancy Binay na malaking tulong ang mga Filipino food partikular ang street foods upang lalong maisulong ang turismo at mas mataas na bilang ng mga turista sa bansa.

Dahil dito nanawagan si Binay sa local government units (LGUs) na kanilang itaas ng level ang kanilang local foods.

“Actually, untapped tourism potential ang street food culture. Dapat sinusuportahan natin ang maliliit na mga manininda kasi mahalagang bahagi sila ng lokal na ekonomiya. The LGUs can help identify vending and no-vending zones para maayos din ang daloy ng tao at trapiko — lalo na ngayong buhay-na-buhay ang street food adventure,” ani Binay.

Iginiit ni Binay, ang galing ng mga Pinoy sa pagluluto ay may malaki at mahalagang papel sa ating turismo.

“Dahil sa mga food vlogs sa social media, mas nakikilala ang ating local food culture, lalo na ‘yung mga fusion street foods na talagang dinarayo ng mga foodies at turista. Pinoy street food is not just a culinary experience but also an important part of the Filipino cultural and tourism landscape na maipagmamalaki natin. Kaya mahalagang naririyan din at nakaalalay ang LGUs,” dagdag ni Binay.

Tinukoy ni Binay, ang mga street food na ang mga nagtitinda ay karaniwan sa mga kalye lamang o gumagamit ng mga bakanteng lote o public places dahil sa kabiguan ng LGU na bigyan sila ng maayos na lugar, malinis, at ligtas, na kanilang maaaring pagtindahan.

Binigyang-diin ni Binay, karaniwan sa mga food hawkers ay natatakot sa eviction, demolition, at harassments dahil sila ay itinuturing na illegal vendors na walang sapat na sanitation certifications at  business permits.

At upang maitaas at makatulong sa turismo iminungkahi ni Binay sa LGU na bigyan ang mga  food hawkers ng training, sanitation at  safety practices, food preparation, handling at serving upang lalo pang maiangat ang kalidad ng mga street food experience.

“‘Di ba, sa Taipei, Bangkok, Singapore, Da Lat (Vietnam), KL’s Bukit Bintang and Jalan Alor, Seoul, Hong Kong at ibang Asian countries, talagang dinarayo ang mga ‘yan dahil sa street food nila? Kailangan lang natin ayusin at i-level up ang mga ganitong food markets, at tulungan natin silang i-promote as a culinary destination. Marami tayong local flavors worth showcasing to the world,” punto ni Binay.

“Sa totoo lang, we can draw valuable lessons from best practices observed in Iloilo, Bacolod, Pasig, or Makati, where strict adherence to food sanitation protocols ensures hygiene, food quality standards, and consumer safety blending it with tourism. Madalas kasi, ang tingin natin sa hawkers ay urban blight, eyesore, public nuisance, at cause of traffic — but they actually play a significant role as a culinary attraction,” pagbabahagi ni Binay.

Inilinaw ni Binay, kung sususportahan ng mga LGU ay tiyak na magkakaroon ng magandang aspekto hindi lamang sa ating kultura kundi magkakaroon din ng parehong pakinabang ang turismo at magkakaroon ng magandang kita at kabuhayan ang mga mamamayan.

“So, maraming mga katulad ni Diwata (Deo Balbuena) ang dapat bigyang tuon ng lokal na pamahalaan. Kung mayroon mang pagkukulang o deficiencies sa kanilang mga permit, i-suggest na LGUs should assist them in resolving these issues, and find a win-win solution by engaging them in maintaining the cleanliness of their respective kitchen and dining areas. Malay natin, isang araw we can organize one big culinary event where LGUs from all over the country can showcase their best Filipino beef stews and local menus in one street food festival and call it, ‘Jollyjeep Jamboree,’ ‘Usok-Tusok,’ or ‘Pares Olympics!’ The possibilities are grand,” pagwawakas ni Binay. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …