Saturday , November 16 2024
Taguig music festival

2 araw Taguig music festival para sa Kabataan tagumpay

NAGING matagumpay ang kauna-unahang dalawang-araw na libreng music festival na idinaos ng pamahalaang lungsod ng Taguig bilang handog kasiyahan para sa mga kabataan na bahagi ng pagdiriwang ng 437th Founding anniversary ng lungsod.

Ang naturang libreng festival ay tinampokan ng mga bandang Itchyworms, Keiko, Dilaw, Autotelic, Whirpool Street, No Lore, Ombre, Michael Myths, Diz, Sandwich, SUD, December Avenue, Arthur Miguel, Gracenote, Jeremy Novela, Hey Juni, Pau Gesi, at Natural High.

Halos nasa 4,000 manonood ang dumalo sa unang festival na ang mga buntis at may kapansanan ay nilagyan ng sariling lugar sa TLC park, at ito ay sa Dome na may malaking screen na pinanood ang bawat performer.

Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, ang naturang festival ay hindi lamang nila binuksan sa mga taga-Taguig kundi maging sa mga karatig na lungsod.

Nagpapasalamat si Cayetano sa lahat ng nakiisa sa naturang festival kasunod ng kanyang paniniwala na magkakaroon tayo ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Hinikayat ni Cayetano ang lahat ng dumalo na patuloy na ipagdasal ang pag-angat ng lungsod ng Taguig.

Kaugnay nito nanawagan sa kabataan si Senador Alan Peter Cayetano, ang asawa ni Mayora Cayetano ng isang “Dream Big!”

“Dream big so that we can build Taguig together. Dream big, ating mga kabataan — ang ating kinabukasan, ang ating hope for the future,” ani Cayetano.

Ayon kay Senador Cayetano, pangarap lamang nila ng kanyang mga kapwa kabataang leader tatlong dekada na ang nakakaraan na magkaroon ng mga event tulad ng music festival.

Tatlumpung taon na ang nakalipas simula nang pumasok si Cayetano sa politika. Isa rin siya sa mga pinakabatang konsehal sa bansa sa edad na 21, kaya ginunita niya ang pag-unlad ng Taguig sa nakalipas na 30 taon.

“Thirty years ago, hindi makapag-celebrate ng ganito ang Taguig. Itong ipinagdiriwang natin ngayon, ito ‘yung vision namin ng mga ka-batch ko. Kung ano ang Taguig ngayon, ito ang vision namin noon,” ipunto ni Cayetano.

Hinimok niya ang mga kabataang Taguigeño na humingi ng patnubay sa Diyos sa kanilang mga mithiin para sa lungsod. “Tanungin natin si Lord, ‘What’s your vision for Taguig?’ Pero sana magkaisa tayong lahat,” ani Cayetano.

Binanggit ni Cayetano ang pangangailangan na pagtutulungan para sa mga isyu tulad ng abuso sa droga at kawalan ng trabaho.

“Sa vision, bawat detalye dapat tulong-tulong tayo. Halimbawa, sana dumating ang panahon na hindi na natin sasabihin na, ‘Huwag ka na magdroga!’ dahil kompleto na ang sports, music, churches, schools natin sa lungsod. Sana dumating din ang time na hindi na natin sasabihan na, ‘Boss, ‘wag ka na tumambay’ dahil sa rami at gagandang trabaho sa Taguig. Hindi na rin kinakailangang mag-abroad,” dagdag ni Cayetano.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinikayat ni Cayetano ang lahat na magkaisa sa ilalim ng kanilang minamahal na lungsod. “Kailangan magkaisa tayo lahat. Suportahan natin ang talento ng Taguig,” pagwawakas ni Cayetano. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …