BINUKSAN sa mga motorista ang C5 Quirino flyover, C5 extension sa lungsod ng Las Piñas.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) may lapad ang bagong tulay na 9.82 linear meters, may kabuuang haba na 680 linear meters.
Sinabi ni Senador Cynthia Villar ang pagbubukas ng flyover ay makapagpapabilis ng biyahe para sa mga motorista na patungo sa Sucat, Parañaque, Coastal Road at Las Piñas at maiibsan ang grabeng trapiko sa lugar.
Nagpapasalamat si Villar sa pasensiyang ipinagkaloob ng mga motorista habang ginagawa ang naturang proyekto.
Tumagal nang mahigit tatlong taon ang konstruksiyon ng nasabing tulay na umabot sa P300.39 milyon ang ginastos ng gobyerno para maitayo ang dalawang linyang daanan.
Maging si Senador Mark Villar ay lubhang nagpapasalamat dahil natapos na proyektong sinumulan noong kalihim pa siya ng DPWH
Tulad ng ng kanyang ina na si Senadora Cynthia, umaasa ang nakababatang Villar na maiibsan ng nmasabing tulay ang traffic sa lungsod.
Tiniyak ng mag-inang Villar na hindi ang nasabing flyover ang huling proyekto sa Las Piñas dahil marami pa ang mga nakalinyang kalsada, tulay at establisyementong gagawin sa nasabing syudad.
Kasunod nito ay nagpapasalamat ang pamilya Villar lalo ang senador sa DPWH, dati niyang mga kasamahan, sa patuloy na suporta kahit wala na siya sa nasabing ahensiya. (NIÑO ACLAN)