UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita tayo mahigit sa P150 bilyon.
Ito ang tahasang sinabi ng Department of Tourism (DOT) kasunod ng pagsasabi na ito ay para lamang ngayong buwan ng Abril.
Batay sa datos ng DOT, 94.21 porsiyento ng kabuuang 2,010, 522 international visitor arrivals ay na pawang foreign tourists habang nasa mahigit 5% naman ang mga balikbayan.
Kasunod nito, inianunsiyo din ng ahensiya na pumalo na sa P157.62 bilyon ang revenue ng bansa mula sa turismo sa unang tatlong buwan ng taon.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, nakatutuwa na ang kanilang pagsisikap at pagtutulungan ay nagbubunga ng magagandang numero para sa industriya ng turismo.
Maganda rin aniya ang nakikita niyang trajectory ng tourist arrival ngayong taon at umaasa ang kalihim sa mas maraming investment para sa turismo ay mas tataas pa ang nabanggit na mga numero.
Magugunitang target ng bansa ngayon ang 7.7 milyong bisita na halos katumbas ng pre pandemic record breaking arrivals noong 2019 na 8.26 million inbound arrivals. (NIÑO ACLAN)