Monday , December 23 2024
electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil sa matinding init ng panahon dulot ng El Niño phenomenon sa buong bansa

Sa isang Virtual Press Conference sinabi ni  Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla, naitala ang naturang peak demand forecast matapos lumagpas sa 13,917 average demand ng Luzon grid.

Dagdag ni Lotilla, posibleng umabot hanggang sa susunod na buwan na makapagtatala pa rin ng yellow at red alerts sa Luzon grid dahil sa naturang peak demand

Samantala muling paalala ng DOE sa publiko na magtipid sa paggamit ng koryente upang makatulong sa energy conservation sa ating bansa.

Pinaghahanda rin ng DOE ang publiko sa anomang magiging dulot ng kakulangan ng supply ng koryente dahil sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan nito. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …