Sunday , December 22 2024

Sa ‘bangayang’ VP Sara vs FL Liza
PBBM ‘PINAHIHIRAPAN’ NG 2 BEBOT – ESCUDERO

042524 Hataw Frontpage

NANAWAGAN si Senadora Cynthia Villar na itigil ang kahit anong namamagitang sigalot sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at First Lady Liza Marcos.

Ayon kay Villar, kung siya ang asawa ng pangulo, gagawin niya ang lahat para maging matagumpay ang presidente.

Binigyang-linaw ni Villar, hindi niya pipiliing makipag-away at sa halip ay gagawa siya ng mga proyekto para mahalin pa lalo ng publiko ang Pangulo ng bansa.

Matatandaang inamin ng unang ginang na bad shot sa kanya ang ikalawang pangulo ng bansa dahil sa pag-attend ng rally na binabatikos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sinagot ito ni Vice President Duterte at sinabing karapatan ng unang ginang na sumama ang loob ngunit wala siyang kinalaman sa kanyang mandato bilang bise presidente.

Kaugnay nito, sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero na posibleng lubhang masakit ang ulo ng Pangulo sa sitwasyong gaya nito ngunit ang kailangan niya ay patuloy na mag-focus sa kanyang trabaho at tungkulin sa bayan.

Ngunit binigyang-diin ni Escudero, may magagawa ang Pangulo sa sitwasyong ito dahil bahagi ito ng kanyang ‘burden.’

Umaasa si Escudero na malalamapasan ng Pangulo ang lahat at ang kanyang prinsipsyo at tungkulin sa bansa ay mananaig. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …