Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ladine Roxas Kris Lawrence Vehnee Saturno

Ladine  at Kris mapanakit may hugot ang bagong kanta

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBABALIK-RECORDING scene ang Voice of Asia Grand Winner, International coach Ladine Roxas with the song Within with RNB Prince Kris Lawrence.

Kuwento ni Ladine, sobrang happy siya na si Kris ang naka-collab niya sa Within dahil sobrang husay at napakasarap katrabaho.

At kahit nga ang composer ng kantang Within na si Maestro Vehnee Saturno ay  saludo sa husay ni Kris, dahil sobrang taas ng range ng boses nito na bumagay sa kanta.

Aminado si Ladine na naging abala at sobrang nag-enjoy  sa pagtuturo sa Vehnee Saturno Music Training Center at ‘di niya namalayan na matagal na pala siyang hindi nakakapag-record ng song, kaya naman kinausap nito si Vehnee at sinabing nami-miss na niya  ang pagkanta at dito na nga ito nagdesisyong mag-recording ulit na may basbas ni Maestro Vehnee.

This time nga ay mas bibigyang oras na ni Ladine ang kanyang singing career, na pitong kanta pa ang iri-record niya after  na makaka-duet ang iba pang local artists para gawing album. Sa ngayon ay tatlong songs na ang nagawa niya kasama ang Within.

Kahit nga kami ay na-goosebumps nang kantahin ng live nina Ladine at Kris ang Within dahil sa sobrang ganda ng kanta, grabe ang hugot ng song na talaga namang marami ang makare-relate.

Available na ang awitin sa lahat ng digital streaming apps, kasama ang Youtube at Tiktok, hatid ng Vehnee Saturno Music.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …