INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 Abril, kaugnay ng sunog na naganap noong Sabado ng gabi, 20 Abril, na ikinadamay ng paaralan.
Ayon sa anunsiyo, “Classes will only be conducted online until further notice.”
Samantala, nabatid na isang babae ang nasaktan sa nasabing sunog na nagsimula sa commercial area sa Paco Market.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas ang first alarm dakong 8:02 pm at tumindi patungong second alarm dakong 8:09 pm.
Umakyat sa third & fourth alarms dakong 8:22 pm, at fifth alarm dakong 8:37 pm.
Sinabi ng mga bombero, nagawa nilang makontrol ang sunog dakong at 10:28 pm at tuluyang naapula dakong 1:26 am kahapon Linggo, 21 Abril.
Dahil sa lakas ng apoy ay naapektohan ang ilang bahagi ng 10-storey building ng Paco Catholic School (PCS)
Tinatayang P15 milyon ang halaga ng mga ari-ariang nilamon ng apoy sa nasabing sunog. (HNT)