MATABIL
ni John Fontanilla
IDOLO ng promising artist at alaga ng kaibigan naming si Audie See na si Ysabelle Palabrica ang Kapamilya singer/actress na si Belle Mariano.
Sa media launch ng debut song ni Ysabelle na Kaba na unang pinasikat ni Tootsie Guevarra ay sinabi nitong bukod sa pagkanta ay gusto rin niyang mag-artista at ang Star Magic artist na si Belle ang gusto niyang maka-collab pagdating sa kantahan at makasama sa teleserye o pelikula.
Ang Kaba ay komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno at iri-release ng Vehnee Saturno Music at available na sa lahat ng digital streaming app, Youtube, Tiktok atbp..
Thankful si Ysabelle kay Maestro Vehnee dahil sa kanya ipinagkatiwala na i-revive ang hit song ni Tootsie na Kaba. Nagpapasalamat din ito sa kanyang mga magulang na sina Bingawan IloIlo mayor Mark Palabrica at Jean Magno-Palabrica sa 100% support sa kanyang pagpasok sa showbiz.
At sa April 21 ay magiging panauhin ito kasama ang mga kagrupo niyang Krazy-X sa Major OPM concert entitled Noon at Ngayon nina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, Gino Padilla at marami pang iba.