Tuesday , May 13 2025
Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng paglala ng mga ilegal na aktibidad tulad ng sugal sa kanilang lugar sa Lobo, Batangas.

Ayon kay Ramirez, isang mamamayan at negosyante sa Lobo, Batangas, sa kanyang nakalap na impoormasyon, kamakailan  ay inaresto ng mga awtoridad ang isang dating konsehal dahil sa pag-operate ng isang gambling den ng mahjong kasama ang 15 katao. Kasunod ang pag-aresto sa 21 katao na sangkot sa jueteng.

Dahil dito, naniniwala si Ramirez na  ito ay nagpapakita ng tahasang kawalan ng disiplina at paggalang sa batas, lalo na, mula sa mga tinitingalang lider ng komunidad.

Ipinagtataka ni Ramirez, ang mga nasabing ilegal na aktibidad ay naganap hindi kalayuan sa munisipyo at pamahalaang bayan pero tila walang aksiyon.

Samantala, nagpasalamat si Ramirez sa kasipagan ng pulisya sa pagsugpo ng ilegal na sugal sa bayan ng Lobo.

Pinuri rin ni Ramirez ang National Bureau of Investigation (NBI) partikular sa naging mahusay  na aksiyon  para sugpuin ang ilegal na jueteng sa bayan.

Dahil dito nanawagan si Ramirez kasama ang mga negosyanteng nagmamalasakit para sa bayan sa mga halal na lingkod-bayan na bigyang pokus ang kaligtasan at kaayusan ng bayan ng Lobo.

Hinikayat ni Ramirez ang pamahalaan na pagtuunan ang pagbibigay solusyon sa pagsugpo ng bawal na sugal at ang kahirapan.

Paalala ni Ramirez, katuwang ng pamahalaan ang mga negosyante kung kaya’t marapat na huwag silang pahirapan sa kanilang pagnenengosyo.

Tiniyak ni Ramirez, hindi sila titigil na pigilan  ang paglaganap ng kriminalidad lalo ang ilegal na sugal na wala naman noon sa kanilang bayan.

“Handang makiisa at patuloy na sasama kaming mga negosyante para sa isahang pagkilos upang itaguyod ang tunay na kaunlaran at kapayapaan para sa lahat ng mamamayan ng Lobo.Ang Lobo ay hindi bayan ng sugal kaya dapat lamang na palayasin ang mga taong dahilan ng paglaganap nito,” pagwawakas ni Ramirez (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …