Friday , November 15 2024
Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad ng irigasyon upang mapabuti ang seguridad sa pagkain ng bansa sa gitna ng patuloy na paglobo ng populasyon.

“Kung hindi sisimulan ng gobyerno ang isang komprehensibong programa sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura, magiging mahirap para sa bansa na makamit ang seguridad sa pagkain, lalo sa supply ng bigas,” ani Gatchalian.

Binigyang-diin ng Senador, dahil sa tuloy-tuloy na paglaki ng populasyon ng bansa, kinakailangan maghangad ng pagtaas ng productivity sa pamamagitan ng modernisasyon ng sektor ng sakahan, kabilang ang paggamit ng mga modernong kagamitan sa pagsasaka.

Ipinunto ni Gatchalian, kailangan magkaroon ng whole-of-government approach, na ang mga local government units (LGUs) ay gaganap ng malaking papel upang epektibong maisulong ang modernisasyon, partikular sa mga lugar kung saan nangangailangan ng suportang pinansiyal at kooperasyon.

“Sa kaso ng bigas, na pangunahing pagkain ng mga Filipino, kailangan ng bansa na makapag-ani ng hindi bababa sa 98% ng pangangailangan nito sa bigas,” sabi ni Gatchalian.

“Lalong lumalaki ang ating populasyon kompara sa produksyon ng bigas. Habang lumalaki ang ating populasyon, lumalaki rin ang ating pangangailangan sa bigas, at dapat nating tugunan ito. Gayonpaman, sa kasalukuyan, hindi natin ito mahabol dahil mas mabilis ang paglaki ng ating populasyon kaysa produksiyon ng bigas,” dagdag niya.

Ang populasyon ng bansa ay tinatayang umabot sa 112 milyon noong 2023, batay sa inaasahang rate ng paglaki ng populasyon gamit ang resulta ng 2020 census, ayon sa Commission on Population and Development.

“Hindi natin matatakasan ang pangangailangan na gawing moderno ang pangkalahatang sektor ng agrikultura upang matugunan ang supply ng pagkain kasunod ng lumolobo nating populasyon. Dahil dito, mapapaunlad din natin ang kabuhayan ng ating mga magsasaka,” pagtatapos ni Gatchalian. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …