APROBADO kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang ilang aplikasyon para sa Green Card program nitong 12 Abril.
Ito ay isa na namang mahalagang hakbang sa dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa kanyang subsidiya sa programang pangkalusugan upang siguruhing matanggap ng mga residente ang mga importanteng benepisyo sa pangangalaga sa kalusugan na kanilang kailangan.
Ang inisyatiba ng Green Card ay proyekto ng yumaong Mayor Vergel “Nene” Aguilar na layuning magbigay ng healthcare services na mas masasandalan ng mga Las Piñero na sumasalamin sa legasiya nitong tiyakin ang kanilang kalusugan at kagalingan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng naturang programa nais ng lokal na pamahalaan na naihahatid ang mga benepisyong pangangalaga sa kalusugan kasama na rito ang mga subsidiya sa gamot at mga suportang serbisyo sa mga residente.
Personal na inaaprobahan ni Vice Mayor Aguilar ang naturang proseso upang bigyang-diin ang kanyang aktibong papel sa pangangasiwa sa pampublikong pangkalusugan at pagkilala sa legasiya ng pamilyang Aguilar sa serbisyo publiko.
Personal ang pagtutok ng bise-alkalde sa pag-aaproba ng aplikasyon bilang pagpapatibay sa mensaheng ang accessible healthcare ay nananatiling pangunahing prayoridad ng lokal na pamahalaan.