Friday , November 15 2024
Electricity Brownout

Renewable energy sources sagot sa brownouts – Lapid

IGINIIT ni Senador Lito Lapid, malaki ang maitutulong ng paggamit ng renewable energy sources sa nararanasang brownouts sa Negros Occidental, Panay Island at iba pang lugar sa bansa.

Sinabi ni Lapid, mas mainam pag-ibayohin ang paggamit ng renewable energy gaya ng araw (solar), hangin (wind), waves (alon), at iba pang sources.

Sa gitna ng matinding tag-init, sinabi ni Lapid na maaaring i-harvest o ipunin ang sikat ng araw sa pamamagitan ng solar panels na magiging supply sa power grid sa isang bayan o lalawigan.

“Kung tutuusin, bilang tropikal na bansa, masuwerte pa ang Filipinas dahil sagana sa sikat ng araw. Kailangan lang na mas maraming mag-invest na mga pribadong kompanya sa solar industry para makatugon sa kakapusan ng supply ng koryente,” giit ni Lapid

Sa pagbisita sa Bacolod City at Himamaylan, Negros Occidental, napag-alaman ni Lapid na madalas magkaroon ng brownouts sa Western Visayas dahil sa kakulangan ng supply ng koryente ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

“Sana ‘wag na pong maulit ang nangyaring brownouts sa Iloilo noong Enero hanggang Marso 2024. Kung walang supply ng koryente, walang negosyo, walang trabaho at walang kita ang ating mga kababayan. Kaya naman importante ang bastanteng power supply para sa katatagan at kaunlaran ng bansa,” pahayag ni Lapid.

Nitong Lunes, 8 Abril, pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Cebu-Negros-Panay Backbone Project Stage 3 (CNP3) sa Brgy. Mansilingan, Bacolod City na inaasahang makalulutas sa problema ng brownouts sa Western Visayas.

“Suportado po natin ang hakbang ni Pangulong FM Jr., na masolusyonan ang kakapusan sa koryente, ‘di lang dito sa Negros kundi sa buong Filipinas. Maganda ang hakbangin niya na mas paunlarin at palakasin ang paggamit ng renewable energy sources sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon. Dapat din mabigyan ng insentibo ang mga renewable energy generators,” dagdag ni Lapid.

Kinatigan nina Congressman Dino Yulo at Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson ang paggiit ni Lapid na palakasin ang paggamit ng renewable energy at tiniyak na tatanggapin nila sa probinsiya ang mga kompanyang gustong mag-invest sa power generation.

Ang pinasinayaang CNP Phase 3 project ay may overall capacity na 3,800 megaVolt Amperes (mVA) at binubuo ng 442 circuit kilometers ng bagong transmission lines, 98 circuit kilometers ng submarine cables at ang pagtatayo ng anim na bagong substations sa Western Visayas. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …