Friday , November 15 2024
Pastor Quiboloy

Aresto vs Quiboloy inaasahan ngayon

MARAMING nag-aabang sa resulta ng paghahain ng arrest order laban sa pinaghihinalaang sex offender at idineklarang pugante ng awtoridad na si religious leader, Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos maiulat na ang mga kinatawan ng Senate’s Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), na inatasang maghain ng arrest order laban sa religious leader ay dumating na sa Davao City nitong nakaraang Lunes, 8 Abril.

Kinompirma ni Police Regional Office (PRO) 11 – Public Information Office chief Major Catherine Dela Rey na binigyan sila ng kopya ng arrest order nina OSAA Director III Manny Parlade at Director II Gil Valdez, sa ginanap na coordinating meeting.

Ayon kay Dela Rey, kapag nabatid kung nasaan si Quiboloy ay ihahain ng OSAA ang aarest order kasama ang mga kinatawan ng PRO 11.    

               “The arrest order will be served by the Office of the Sergeant-at-Arms with the assistance of PRO 11 as soon as the whereabouts of Pastor Apollo Quiboloy is determined,” pagtitiyak ng opisyal.

Kabilang sa nasabing pulong sa mga taga-OSAA sina PRO 11 Director Brig. Gen. Alden Delvo at National Bureau of Investigation Director Atty. Angelito Albao.

Magugunitang noong 2 Abril, humiling ang OSAA sa Philippine National Police (PNP) ng alalay sa pagsisilbi ng arrest warrant kay Quiboloy.

Ito’y matapos mag-isyu ng order noong 19 Marso 2024 ang Senado para sa p g-aresto at detensiyon dahil sa hindi niya sinisipot ang ginagawang imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso kaugnay ng mga reklamo laban sa kanya.

Nilagdaan ang order ni Senate President Juan Miguel Zubiri at ipinalabas ni Senator Risa Hontiveros, chairperson ng Senate committee on women, children, family relations, and gender equality.

Sinimulan ng Senado ang inquiry noong 23 Enero 2024 matapos ibunyag ng mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ ang nasaksihang sexual abuse sa loob ng organisasyon.

Idineklarang pugante si Quiboloy ng mga awtoridad, ilang araw matapos ilabas ang arrest warrant laban sa kanya ng Davao Regional Trial Court dahil sa paglabag sa Republic Act 7610 (the Anti-Child Abuse Law). (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …