Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vehnee Saturno Yza Santos

Maestro Vehnee Saturno bilib sa galing umawit ni Yza Santos

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGIGING abala ang tinaguriang OPM Pop Classical Princess na si Yza Santos sa loob ng dalawang linggo dahil sa wakas ay na-launch na ang  debut single niyang Misteryo na komposisyon ng  beterano at awardwinning songwriter na si Maestro Vehnee Saturno.

Two weeks lang daw ang magiging unang promotion ni Yza ng kanyang song dahil kailangan niyang bumalik sa Australia para sa kanyang pag-aaral. Kaya naman nakatakda itong mag-guest sa ilang radio programs, online shows atbp..

Kasabay nga ng launching ng kanyang song ang paglabas ng kanyang music video.

Nagpapasalamat si Yza kina Maestro Vehnee at Ladine Roxas na voice coach/mentor niya at humahawak sa kanyang singing career at sa very supportive mom niyang si Tita Marissa Santos.

Pangarap ni Yza na makagawa ng pangalan sa showbiz katulad ng kanyang mga iniidolong sina Lea Salonga at Lani Misalucha.

Sa kabilang banda, naniniwala ang mahusay na composer na si Maestro Vehnee na sa ganda ng boses ni Yza at sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho ay malayo ang mararating sa local music industry

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …