HATAW News Team
BUKOD sa hindi makikita sa Filipinas ang magaganap na eclipse ngayong gabi ng 8 Abril 2024, hindi rin totoo ang mga espekulasyon na tatlong araw mararanasan ang kadiliman sa bansa.
Ito ay ‘hoax’ o panlilinlang, ayon kay astronomer Nico Mendoza ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil wala itong scientific evidence.
“This is a hoax… There is no scientific evidence to support its existence, and its origins are unclear… There is no scientific proof to support this theory,” pahayag ng PAGASA.
Anila, ang magaganap na solar eclipse, ay gabi sa Filipinas.
“Because the moon is on the western side, essentially, that’s where the solar eclipse can only be seen,” paglilinaw ni Mendoza.
Aniya, ang nasabing solar eclipses ay nagaganap nang halos apat na beses isang taon.
Karamihan ng estado sa Amerika ay makararanas ng ‘partial eclipse’ sa 8 Abril.
Ang landas ng kabuuan ng eclipse ay tinatayang aabot ng 115 milyang kalawakan. Magsisimula ito sa kanlurang Mexico, aarko sa mga lungsod ng Estados Unidos sa Dallas, Indianapolis, at Buffalo, hanggang magwakas sa silangang Canada.
Kaugnay nito, maraming kompanya ng eroplano ang nag-anunsiyo ng flights na daraan sa ilalim ng eclipse habang ang Delta ay nagplano ng dalawang espesyal na biyahe sa kabuuang ruta ng eclipse, na ang una ay mabilis na naibenta sa loob ng 24 oras.
Samantala, nagbabala ang National Aeronautics and Space Administration (NASA), na tanging sa ruta ng kabuuan — at tanging sa ilang minuto ng aktuwal na kabuuan lamang magiging ligtas tumingin sa eclipse nang walang proteksiyon sa mata.
Kamakailan, itinampok ng NASA ang mga pag-aaral na plinano para sa eclipse, mula sa epekto sa atmosphere ng daigdig at ang magiging kilos o asal ng mga hayop hanggang sa sikolohiya ng mga tao.
“May espesyal na kapangyarihan ang eclipse,” ani NASA Administrator Bill Nelson.
“Pinakikilos nito ang mga tao na maramdaman ang isang uri ng paggalang para sa kagandahan ng ating uniberso,” ani Nelson.