Monday , December 23 2024
heat stroke hot temp

Sa banta ng pertussis at init ng panahon
BLENDED LEARNING HINILING IPATUPAD

KASUNOD ng pagbabalik-eskwela matapos ang Mahal na Araw, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga punong-guro na magpatupad ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon.

“Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, maaaring magpatupad ang mga paaralan ng blended learning lalo na’t pinangangambahan natin ang banta ng pertussis at mas mainit na panahon. Maipagpapatuloy na natin ang edukasyon ng mga bata, mabibigyan pa natin ng prayoridad ang kanilang kalusugan at kaligtasan,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate committee on basic education.

May anim na lokal na pamahalaan sa Western Visayas ang nagsuspende ng klase nitong 1 Abril dahil sa init ng panahon. Habang ang Iloilo City ay nagdeklara ng suspensiyon ng klase nitong 1 Abril at ngayong 2 Abril mula pre-school hanggang senior high school dahil sa matinding init.

Upang matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon, nakasaad sa Department of Education (DepEd) Order No. 037 s. 2022, kasunod ng pagkansela o pagsuspinde ng mga klase, maaaring magsagawa ng modular distance learning, performance tasks, o make-up classes.

Matapos ang konsultasyon sa mga stakeholders, kabilang ang mga guro at mga mag-aaral, inurong ng DepEd ang pagtatapos ng School Year 2023-2024 sa Mayo 31 mula Hunyo 14. Matatandaang isinulong ni Gatchalian ang unti-unting pagbabalik sa dating school calendar.

Iniulat dati ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services (PAGASA) na bagama’t mas kaunti ang mga maulang araw at kanselasyon ng klase dahil sa bagyo sa ilalim ng kasalukuyang school calendar, mas marami naman ang mga araw na tumatama sa matinding init.

Samantala, nagdeklara ng pertussis outbreaks sa Quezon City at Iloilo City. Nasa ilalim ng state of calamity ang Cavite dahil sa pertussis outbreak. Iniulat ng Department of Health (DOH) noong 27 Marso, umabot na sa 40 ang namatay dahil sa pertussis mula 1 Enero hanggang 16 Marso 2024.

Nanawagan si Gatchalian sa mga punong-guro na magpatupad ng mga hakbang para sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral sa mga paaralan, kabilang ang pagsulong ng maayos na respiratory hygiene at regular na paghuhugas ng kama.

Kaugnay nito sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na walang pumupigil sa local government units (LGUs) at  school heads na bumalik sa blended o distance learning nang dahil sa kilima o panahon lalo na’t nagpalabas ang DepEd (DO No. 44 series of 2022) ukol sa pagkakataon ng pagsuspende at pagkansela ng klase.

Ayon kay Estrada naiintindihan natin ang alalahanin ng mga magulang, guro, at maging ng mga mag-aaral dala ng matinding init na nararanasan nitong mga nakaraang araw.

Bukod sa mahirap tumutok sa pag-aaral dahil napakainit ng panahon, ang kapakanan ng mga kabataang mag-aaral ang dapat natin isaalang-alang sa ngayon.

“The DepEd order can be used as a basis by LGUs and school officials to prevent pertussis outbreaks in schools. Similar measures may also be taken by CHED and TESDA. Those in government offices, however, may have to resort to appropriate measures since we cannot afford a suspension of operations of agencies and services to the public,” ani Estrada.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …