Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis Bitoy bubble gang

Paolo wish na umabot ng 50 years ang Bubble Gang

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

KABILANG sa walong show na Best Time Ever ng GMA 7 ang Family Feud, Amazing Earth, Pepito Manaloto, IBilib, YouLOL, Running Man, TBATS, at Bubble Gang. Sa ginanap na mediacon nito ay binigyan ng birthday cake si Paolo Contis na mainstay sa sa isa sa mga show. Sakto kasi na birthday niya ng araw na ‘yun.

Nang hingan ng birthday wish si Paolo, ang sabi niya, “Wala po akong wish. Nais ko lang magpasalamat sa suporta ng GMA 7 sa akin. I want to thank GMA for always supporting me, for always supporting the show.” 

And speaking of GMA 7, nilinaw ni Paolo na wala siyang tampo rito, gaya ng napapabalita. Na ang sinasabing dahilan ay ang pagkawala ng noontime show nila, ang Tahanang Pinakamasaya, na napapanood dati sa nasabing estayon.

Paglilinaw ni Paolo, “May kumalat po na may tampo po ako sa GMA, hindi po ‘yon totoo. Pero pagbigyan na po natin ang mga nagkakalat niyon, content na po nila ‘yon. Para po sa kanila ‘yon. But it’s not true. I love GMA. I’m very thankful to GMA and they’ve been supporting me, even the time na hindi ako kasupo-suporta. 

‘So, there’s no reason para magtampo ko sa GMA,” aniya pa. 

Pagkatapos ng paglilinaw ni Paolo na wala siyang tampo sa Kapuso ay biglang hirit siya tungkol sa kanilang gag show na Bubble Gang. “Siyempre, hindi magiging kompleto ang ‘Bubble Gang’ at itong ‘Best Time Ever’ kung hindi ninyo po kami sasamahan. Kaya tulungan niyo po kami dahil gusto nating paabutin ng 50 years ang ‘Bubble Gang.’ ‘Yung isa po kasi, hindi natin mapaabot ng 50 years, pero okay lang. Ang ‘Bubble Gang,’ gusto nating paabutin. Sorry hindi ko napigilan,” ang natatawa pang sabi pa ni Paolo dahil nga sa maagang pagkatsugi ng Tahanang Pinakamasaya. Kaya malabo na itong umabot pa ng 50 years sa ere.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …