HINDI malayong makulong sa linggong ito ang nagpapakilalang ‘appointed son of god’ na si Pastor Apolo Quiboloy dahil sa kaniyang patuloy na pag-isnab sa imbitasyon ng senado ukol sa pagdinig laban sa alegasyong human trafficking at sa iba pang reklamong kanyang kinahaharap.
Inihayag itoni Senadora Risa Hontiveros, Chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relationship and Gender Equality ng pang-iisnab sa senado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Quiboloy.
Ayon kay Hontiveros, napakaraming ‘drama’ ni Quiboloy gayong madali lang naman ang kanyang gagawin — ang dumalo sa pagdiinig at sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.
Nanindigan si Hontiveros na kanyang hihikayatin si Senate President Juan Miguel Zubiri na lagdaan ang warrant of arrest laban kay Quiboloy.
Binigyang-linaw ni Hontiveros, kahit wala sa rules ng senado ang show cause order ay pinagbigyan pa rin niya ang kahilingan ni Senador Robin Padilla.
Tinukoy ni Hontiveros, ang mga sagot na ginawa ng abogado ni Quiboloy ay nauna na nilang naipahayag sa senado.
Inaasahan ngayong linggong ito ay magtatakda ng pagdinig si Hontiveros upang matiyak na mailabas ang arrest warrant laban sa pastor.
Sa sandaling maaresto ng mga tuahan ng Sragent at Arms (OSSA) si Quiboloy ay mananatili siya sa isang silid sa senado sa palapag ng parking lot at tanging abogado at pamilya ang makadadalaw sa kanya. (NIÑO ACLAN)