Monday , December 23 2024
Vietnam

PH dapat matuto sa Vietnam — Gatchalian

DAPAT pag-aralan ng Filipinas ang kalakaran sa edukasyon ng bansang Vietnam, sabi ni Senador Win Gatchalian, at matuto pagdating sa mabisang paggamit ng mga resources nito. 

Binigyang diin ng mambabatas na bagama’t malaki ang tulong ng karagdagang pondo upang mahasa ang performance ng mga mag-aaral sa mga eskuwelahan, mahalagang tiyakin na mabisa ang paggamit ng bansa ng nakalaang pondo sa edukasyon.

Sabi ni Gatchalian, hindi nagkakalayo ang Filipinas at Vietnam pagdating sa pagpopondo sa edukasyon pero mas mataas pa rin ang performance ng Vietnam kung ihahambing sa Filipinas.

Gumagastos ang Filipinas ng average na P55,000 kada mag-aaral taon-taon mula Kindergarten hanggang edad 15 anyos, samantala, umaabot sa P69,000 kada mag-aaral ang average na ginagasta ng Vietnam taon-taon mula Kindergarten hanggang edad 15 anyos.

Batay sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), 72% o pito sa sampung 15-anyos na estudyanteng Vietnamese ang nakaabot sa Level 2 o minimum proficiency level sa mathematics.

Sa Filipinas, 16% lamang o wala pang dalawa sa sampung mag-aaral ang nakaabot ng minimum proficiency sa mathematics.

Ang mga mag-aaral na nakaabot sa Level 2 o minimum proficiency level sa mathematics ay kayang mag-interpret o kumilala ng mga mathematical representation ng mga simpleng sitwasyon kahit walang direct instructions.

Isang halimbawa nito ang paghahambing ng kabuuang layo sa pagitan ng dalawang ruta o ‘di kaya ay pag-convert ng mga presyo sa pera o currency ng ibang bansa.

“Bagama’t hindi nagkakalayo ang ginagastos ng Vietnam at Filipinas para sa edukasyon, nakita naman natin sa datos na mas mataas ang marka ng mga mag-aaral mula Vietnam. Mahalagang matuto tayo sa halimbawa ng Vietnam dahil ipinakita nila ang kahalagahan ng mas mainam na paggamit ng mga resources at mas mabisang paggasta para sa edukasyon,” ani Gatchalian, chairperson ng Committee on Basic Education sa Senado.

Nakatakdang bumiyahe patungong Vietnam ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) upang pag-aralan ang magandang halimbawa ng Vietnam. Si Gatchalian ang co-chairperson ng EDCOM II.

“Sa pag-angat natin ng kalidad ng edukasyon sa bansa, pag-aaralan natin ang tagumpay ng Vietnam upang matukoy natin ang mga estratehiya at mga paraan na maaari nating magamit sa ating bansa,” dagdag ni Gatchalian.

Batay sa pagsusuri ng tanggapan ni Gatchalian sa pinakahuling resulta ng PISA, lumalabas na ang marka ng mga pinakanangangailangang mag-aaral ng Vietnam, o iyong mga nasa pinakamababang 10% ng Economic, Social, and Cultural Status (ESCS) ay mas mataas ng 91 points kung ihahambing sa mga mag-aaral ng Filipinas na may kaparehong estado sa buhay. Ang average score ng mga pinakanangangailangang mag-aaral ng Vietnam ay 427, habang 336 naman ang sa Filipinas. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …