Saturday , November 16 2024
Ralph Recto

Recto kinompirma ng CA bilang Finance secretary

KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA)  ang ad interim appointment ni dating Senador Ralph Recto bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).

Bilang dating miyembro ng kongreso at komisyon ay mayroong kurtoseyang ipinagkaloob sa kalihim para sa agarang pagkompirma sa kanyang nonimasyon.

Walang isa mang miyembro ng komite ang tumututol  at naghain ng reklamo hinggil sa kompirmasyon ni Recto.

Bukod sa suporta sa kompirmasyon ay umani rin si Recto ng mga papuri sa kanyang mga dating kasamang senador.

Kabilang dito sina Senate President Pro-Tempore Loren Legarda, Senadora Cynthia Villar, Risa Hontiveros, at Grace Poe, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Senate Majority Leader Joel Villanueva,  Senador Raffy Tulfo,  at Jinggoy Estrada.

Mismong si Senate President Juan Miguel Zubiri ang nag-sponsor para irekomenda nang tuluyan sa komisyon ang kompirmasyon ni Recto.

Si Rector ay nagsilbing senador noong 2001 hanggang 2007 at 2010 hanggang 2022 at nahalal bilang deputy speaker noong 2022 hanggang 2024 sa ilalim ng adminitrasyong Marcos. (NINO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …