Monday , December 23 2024
Estate Tax

Sa mga hindi nakabayad ng interes, at multa ng real property tax  
PAGSASABATAS NG RPVARA MAGBIBIGAY NG AMNESTIYA

APROBADO sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA), at sinabi ni Senador Win Gatchalian na ang pagsasabatas ng panukala ay magbibigay ng amnestiya sa loob ng dalawang taon sa mga hindi nakabayad ng interes at multa ng real property tax.

“Ang hindi pagbabayad ng mga interes, multa, at surcharge sa mga hindi nabayaran o delingkwenteng real property tax sa pamamagitan ng amnesty component ng RPVARA ay maghihikayat sa mga taxpayer na sumunod sa mandatong magbayad ng buwis at magpapahusay sa pagsisikap ng gobyernong mangolekta ng buwis,” ani Gatchalian, na namumuno sa Senate Committee on Ways and Means.

Ang RPVARA ay isang priority legislation ng administrasyong Marcos.

Ang pagsasabatas ng naturang panukala ay magpapabilis sa pag-automate ng mga serbisyong ibinibigay ng mga local government unit (LGU), na magpapahusay sa pangongolekta ng buwis at pagpapabuti ng paghahatid ng mga serbisyo. Kabilang ang pagtatatag ng Real Property Information System na magpapanatili ng updated electronic database ng mga impormasyong may kinalaman sa mga transaksiyon ng real property sa bansa.

“Sa pamamagitan ng RPVARA, ang bansa ay magkakaroon ng pare-parehong mga pamantayan para sa real estate assets na magtataguyod ng transparency at magpapaigting ng kompiyansa sa mga mamumuhunan,” ani Gatchalian.

Dagdag ng senador, “ang pagtatatag ng isang standard valuation ay magtataguyod ng equity dahil ito ay magpapatupad ng mga karapatan sa ari-arian, na magreresulta sa paglaki ng yaman sa pamamagitan ng pag-convert at paggamit ng mga lupain at iba pang property unit para sa ikauunlad ng ekonomiya.”

Aniya, ang real estate at land enable wealth generation ng bansa ay nasa 30.7% lamang, mas mababa kaysa average ng mga pangunahing ekonomiya sa Southeast Asia na nasa 35%, kaya kinakailangang magtatag ng pare-pareho o uniform valuation standard para sa real estate nang sa gayon ay makaakit ng mga mamumuhunan.

Ipinunto niyang batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halagang idinagdag na kontribusyon ng real estate at pagmamay-ari ng tirahan noong 2023 ay umabot sa kahanga-hangang P1.37 trilyon, katumbas ng 5.6 porsiyentong gross domestic product (GDP) ng bansa.

Binigyang-diin ni Gatchalian, kabilang sa real property tax ang iba pang buwis gaya ng Special Education Fund, Idle Land Tax, at iba pang special levy taxes. Ang mga buwis ay maaaring ipataw ng isang local government unit (LGU) alinsunod sa Local Government Code. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …