Sunday , December 22 2024

Puregold CinePanalo Film Festival nakipagtambal sa MOWELFUND sa pagsuporta sa mga pelikulang Kwentong Panalo

MASAYANG inanunsyo ng Puregold CinePanalo Film Festival ang pakikipagtambal nito sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND). Layunin ng kolaborasyon na ibida ang industriya ng pelikula sa Pilipinas  lalo na ang mga bagong filmmaker, at ang mga kuwentong itinatampok ang buhay at kultura sa Pilipinas.

Itinatag noong 1974, ang MOWELFUND ay isang non-stock at non-profit na organisasyon na nakapokus sa sosyal na kapakanan, edukasyon, at pag-unlad ng industriya ng pelikula, at misyon nitong suportahan ang mga nagsusumikap na propesyonal sa mundo ng pelikulang Pilipino.

Ibinahagi ni Boots Anson Roa-Rodrigo, Chairman ng MOWELFUND, ang kanyang pasasalamat. “Salamat, Puregold, para sa CinePanalo. Dahil sa inisyatibong ito, nagbibigay ng tulong ang Puregold sa mga direktor at sa mga gumagawa ng pelikula, sa pagtampok ng mga pelikulang nagpapakita ng mga temang pampamilya na sumisimbolo sa pang-araw-araw na buhay ng mga Filipino.”

“Win-win” ang tambalang ito, ayon sa premyadong personalidad sa pelikula at telebisyon. “Panalo ang Puregold sa pagkintal ng mga halagahang Filipino sa pamamagitan ng makapangyarihang midyum ng pelikula. Panalo ang MOWELFUND sa pag-aayos ng mga logistik para sa mga baguhang direktor. Panalo ang mga estudyante ng pelikula at mga nagmamahal sa larangang ito, dahil binibigyang-buhay ng CinePanalo ang kanilang mga pangarap na proyekto.”

Inanunsyo kamakailan ng Puregold CinePanalo Film Festival ang pinal na listahan ng makatatanggap ng prestihiyosong film grant–anim na direktor para sa full-length film, at 25 estudyanteng direktor para sa short film–na masinsinang pinili sa 200 na kalahok mula sa iba-ibang sulok ng Pilipinas. Ipalalabas sa engrandeng debut ang mga pelikula sa Gateway Cineplex 18, Araneta City, mula Marso 15 hanggang 17.

Bakas sa mga napiling pelikula para sa festival ang temang Mga Kwentong Panalo ng Buhay, sa mga naratibo ng pagsusumikap, pakikisama, at ang matibay na diwa ng pagiging Filipino.

Nagpasalamat din ang MOWELFUND sa suporta ng Puregold sa kanilang ika-50 anibersaryo, na magdaraos ang organisasyon ng medical at dental na misyon. Nagbigay ang Puregold ng mga grocery gift bags para sa  mga miyembro ng komunidad ng pelikula.

Ngayong papalapit na ang Puregold CinePanalo Film Festival, ani Puregold senior marketing manager Ivy Hayagan-Piedad, “Mula sa kaibuturan ng aming puso, pinasasalamatan namin ang MOWELFUND at ang lahat ng katrabaho namin sa kanilang mahalagang gampanin hindi lamang sa pagtatanghal ng mga nakatutuwang kuwentong Filipino, kung hindi pati na rin sa pagpapatatag ng aming kontribusyon sa yumayabong na industriya ng pelikulang Pilipino.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …