COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAPAGKASUNDUAN na pala ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera na rito na muna sila ulit magbase sa Pilipinas ang kanilang pamilya.
Noon ay sa Canada na sila naninirahan komo naroon ang pamilya ni Ariel. Ito iyong mga panahong kasagsagan ang Covid-19 sa buong mundo. Napag-isip-isip daw nila na nandito sa Pilipinas ang mga trabaho nila at mahirap nga naman kung sa Canada sila maninirahan.
Ito ay sinabi ni Gelli sa preskon ng Si Manoy Ang Ninong Ko na isa sjya sa mga co-host ni Cong Wilbert T Lee na muka sa Agri Partylist. Ito ay isang public service program na bumaba sila sa grassroots para matulungan ang mga tao hindi lamang para mamigay ng ayuda kundi turuan o gabayan sila sa mga trabahong ikinabubuhay nila.
Reluctant daw noong una si Geli na tanggapin ang trabaho pero nasaksihan niya ang sincerity ng kongresista sa pagtulong sa mga mahihirap nating kababayan.
Bukod kay Gelli, kasama rin sa show sina Sherilyn Reyes Tan at Patricia Tumulak.
Masuwerte si Cong Willy na makasama ang tatlo at naniniwala sa kanyang advocacy. Ang Si Manoy Ang Nnong Ko ay mapapanood tuwing Linggo, 7:00 a.m. sa GMA 7.