Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA.

Bago pa yata nagpandemic ang huling project niya sa Kapuso. Kung hindi ako nagkakamali ay ‘yung magkasama sila ni Alden Richards at Ms Nora Aunor ang huling project niya. 

Si Jo Berry ang isa sa mga paborito kong aktres ng GMA. Sa mga panahong wala siyang project ay doon pumanaw ang kapatid niya at mga magulang. Hindi siya nawalan ng pag-asa at isang napakagandang project ang pagbibidahan niya na sa tingin ko ay kayang-kaya niyang gampanan at nababagay sa kanya. Ito ay ang Lilet Matias Attorney at Law.  

Magagaling at mga beteranong actor ang makakasama niya at nagpapasalamat siya sa magandang pakikitungo nila sa kanya. 

SA preskon ng nasabing afternoon serye na magsisimula sa Lunes, March 4 ay under pressure ang cast sa taas ng rating ng susundan nila. Hindi naman sila nababahala at ginagawa nilang lahat ang makakaya para magawa nila ng tama ang mga karakter nila sa ikagaganda ng teleserye. 

Masi kami ay excited na mapaood ang bagong teleserye na papalit sa Stolen Life na magtatapos sa Biyernes, March 1. Kaya tutok na mga Kapuso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …